BPATs, nakiisa sa Clean-up Drive

0
462579559_889257953321431_4995895496223576884_n

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang Clean-up Drive sa Barangay Tubongan, Calanasan, Apayao nito lamang ika-2 ng Disyembre 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng 2nd Apayao Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga residente ng nasabing lugar.

Tulong-tulong at sama-sama ang mga grupo sa pagtanggal ng mga damo at pagkolekta sa mga basurang nakakalat sa mga daanan at kalsada.

Ang masugid na pagtutulungan ng mga naturang grupo ay naglalayong panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng kapaligiran para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.

Samantala, ang mga miyembro ng BPATs ay patuloy na makiisa sa mga programa o aktibidad na isinusulong ng kapulisan at patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo at susuportahan ang mga programa ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *