BPATs, nakiisa sa Police Presence at Area Security ng Aurora PNP

0
download-10

Matagumpay ang isinagawang Police Presence at Area Security ng mga tauhan ng Dipaculao Municipal Police Station kasama ang BPATS at Barangay Officials, upang masigurong maayos, mapayapa, at ligtas ang pagdaraos ng halalan para sa National and Local Elections 2025, sa sa iba’t ibang polling precincts sa buong bayan ng Dipaculao, nito lamang Miyerkules, ika-7 ng Mayo 2025.

Pinamunuan ni Police Major Emilio B Sison, Chief of Police, ng Dipaculao MPS, katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team at Barangay Officials ng nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na ito na tiyakin ang seguridad ng publiko, maiwasan ang anumang uri ng karahasan o kaguluhan, at matiyak ang isang secure, accurate, free and fair elections (SAFE). Patuloy ang pagbabantay ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa panahon ng botohan.

Ang ganitong hakbang ay patunay ng dedikasyon ng PNP Dipaculao sa pagsusulong ng isang malinis at tapat na halalan para sa kapakanan ng sambayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *