Simultaneous Coastal Clean-Up Drive, isinagawa
Matagumpay na isinagawa ang Simultaneous Coastal Clean-Up Drive na bahagi ng pagdiriwang ng “Month of the Ocean 2025” na may temang “Unlock Ocean-Based Solutions to Climate Change” sa Bitan-ag Bridge, Brgy. Puntod, Cagayan de Oro City nito lamang Mayo 23, 2025.

Aktibong nakiisa ang SK Council ng Barangay 14, Local Government Unit, Barangay Officials, Force Multiplier ng syudad at mga residente ng nasabing lugar. Tulong-tulong sa paglilinis ang mga kalahok na sa kabuuan ay nakalikom ng humigit-kumulang 16 na sako ng iba’t ibang uri ng basura mula sa baybayin ng nasabing lugar.

Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang kamalayan ng mamamayan ukol sa kahalagahan ng karagatan, at hikayatin ang bawat isa na kumilos para sa kalikasan—isa, dalawang piraso ng basura ang siyang magpapabago.