Peace Summit 2025, idinaos sa Antipolo City

0
viber_image_2025-05-31_17-44-09-995

Naging matagumpay ang isinagawang Peace Summit 2025 sa siyudad ng Antipolo City na ginanap sa Antipolo Component City Police Station nito lamang Martes, ika-27 ng Mayo taong kasalukuyan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Felipe P Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office at Police Lieutenant Colonel Ryan L Manongdo, Chief ng Antipolo Component City Police Station katuwang sina Pastor Vincent Rosales at Atty. Joseph S Vega, Election Officer IV ng COMELEC.

Dumalo din ang mga kandidato sa lokal na posisyon, City Advisory Group, Task Force Tagapamayapa ng Tensyon Team at iba pang kinauukulang miyembro ng komunidad.

Ang pagtitipon ay nagsisilbing plataporma para sa bukas na dayalogo, kung saan maipapahayag ang mga saloobin at mithiin ng bawat isa tungo sa mapayapang transisyon at matatag na pagkakaisa ng komunidad.

Layunin ng aktibidad na isulong ang kapayapaan, kaayusan, at pagkakaroon ng iisang layunin para sa mas maunlad at mapayapang bansa, sa kabila ng naging resulta ng halalan.

Source: Rizal PPO

Panulat ni Pat Jesy Kris S Obrero

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *