‎PNP, MAG, at SK Federation, naghatid ng saya at tulong sa mga kabataan ng Barbaza

0
viber_image_2025-07-31_15-33-23-384

Muling napuno ng kasiyahan ang Esparar Elementary School sa Barbaza, Antique sa ikalawang taon ng League of School Supplies Distribution at Feeding Activity na isinagawa sa pangunguna ng Barbaza Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Allan S. Alagos, OIC, noong ika-29 ng Hulyo 2025.

‎Ang makabuluhang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Municipal Advisory Group (MAG), at ng SK Municipal Federation President na si Hon. Steve Ivan Palacios.

‎Labis ang tuwa ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 matapos tumanggap ng mga school supplies mula sa mga masusugid na tagasuporta gaya nina Ms. Evelyn Buchheim mula sa USA, Ms. Julijane Libres ng Boracay, at ng buong MAG.

‎Ang mga kagamitang ito ay malaking tulong upang mapalakas ang kanilang pag-aaral sa darating na taon.

‎Bukod sa pamamahagi ng kagamitan, naging mas masaya ang araw sa pamamagitan ng mga palarong pampasigla na naghatid ng tawanan, samahan, at masayang alaala sa mga bata.

‎Sinundan ito ng feeding activity kung saan pinagsaluhan ng lahat ang arroz caldo at pandesal—simpleng pagkain na kumakatawan sa pagkalinga at malasakit ng komunidad.

‎ Pinatunayan ng nasabing aktibidad na sa pamamagitan ng bayanihan, kayang maghatid ng inspirasyon at pag-asa sa kabataang Pilipino.

‎Tunay ngang sa pagkakaisa ng iba’t ibang sektor, napapatunayan na bawat munting hakbang ng malasakit ay kayang bumuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan.

‎Source: Barbaza Municipal Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *