Oplan Bisita, isinagawa sa Iligan City
Matagumpay na naisagawa ang Oplan Bisita sa Barangay Digkilaan, Iligan City, Lanao del Norte noong Agosto 6, 2025.
Katuwang sa programa ang CMO-BAO, CHO, CSWD, at iba pang opisina ng LGU.
Nakiisa rin ang tanggapan ni Konsehal Tatay Huertas sa pagsasakatuparan ng aktibidad at apat na piling pamilya ang binisita at nabigyan ng tulong.
Kabilang sa naipamahagi ang libreng check-up, gamot, grocery items, wheelchair, at tungkod.
Ito ay may temang “Pagpapakabana at Paglilingkod”, na simbolo ng malasakit sa kapwa.
Layunin nitong mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga malalayong komunidad.
