The Grand Villanueva Eagle’s Club at Lady Eagle’s Group, nagsagawa ng 5th Bloodletting Activity
Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang The Grand Villanueva Eagle’s Club at Lady Eagle’s Group na may temang “Dugong Agila, Dugo Para sa Masa” sa Villanueva Municipal Hall, Villanueva, Misamis Oriental nito lamang ika-6 ng Agosto 2025.
Katuwang sa naturang aktibidad ang NMMC Blood Bank, Rural Health Unit, iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan at Local Government Unit ng Villanueva na pinamumunuan ni Municipal Mayor Hon. Julio T. Uy
Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga donors upang masiguro ang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.
Sa kabuuan nasa 40 bags ng dugo ang nalikom ng naturang grupo at ang nakapagdonate ay nakatanggap ng limang kilo ng bigas.
Layunin nito ang makatulong sa pagtaas ng blood supply sa mga ospital at blood banks, at kamalayan sa kahalagahan ng regular na pag-donate ng dugo.
