Force Multipliers, nakiisa sa Bloodletting Activity sa Antique

Aktibong nakiisa ang miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Bloodletting activity ng 104.5 Brigada News FM sa Antique National School, San Jose, Antique nito lamang ika-29 ng Abril 2023.

Pinangunahan ng 104.5 Brigada News FM ang aktibidad katuwang ang Philippine Red Cross na dinaluhan ng Tau Gamma fraternity, Hamtic MPS, Provincial Health Office, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, UA Criminology Interns at iba pang mga volunteers.

Sumailalim sa screening ang mga kalahok upang suriin ang kanilang pangangatawan kung sila ay kuwalipikadong magdonate ng dugo at umabot sa tatlumpung (30) na mga volunteers ang matagumpay na nakapagbigay ng dugo.

Layunin ng grupo na mapaghandog ng libreng serbisyo sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo lalong lalo na sa mga may matinding karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *