KKDAT, nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity sa Bongabong Oriental Mindoro

Bongabong,Oriental Mindoro – Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Tree Planting Activity ng 2nd PMFC sa Sitio Balilitan, Brgy. Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro noong ika-30 ng Abril 2023.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Anthony Ramos, Force Commander ng 2nd PMFC, umabot sa mahigit na 1,000 na punla ng Mangga; 1,000 na punla ng Guyabano at Gawad Kalinga ang naitanim ng mga grupo sa nasabing lugar.

Kabilang sa nakilahok ang PNP BISOC CL 02-018- R4B- 2022- 032, 033, 034 “MAGSARIG”, Alpha Kappa at mga Barangay Officials. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga residente sa pagtatanim ng mga puno para maisalba ang mga likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *