Relief Operations para sa mga biktima ng hagupit ni Bagyong Opong, inilunsad sa Uson, Masbate
Nagsagawa ang mga tauhan ng Uson Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPt Reden A. Tolleado, Officer-In-Charge, ng isang relief operation katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Uson (LGU-Uson) sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Uson Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nitong Setyembre 26, 2025 sa Uson, Masbate.
Layunin ng nasabing operasyon na maghatid ng agarang tulong sa mga residenteng lubos na naapektuhan at nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng Bagyong Opong.

Namahagi ang mga ahensya ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng food packs sa mga evacuee na pansamantalang nanunuluyan sa mga itinalagang evacuation centers.
Ang pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patunay ng malasakit at pagtutulungan para maibsan ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan sa panahon ng sakuna.
Patuloy naman ang koordinasyon at pagtutok ng mga kinauukulang ahensya upang masigurong makarating ang tulong sa lahat ng nangangailangan.
Source: Uson Mps Masbate PPO