PNP, Army, Force Multipliers, LGU at iba pang mga sektor, nagkaisa sa pamamahagi ng Relief Goods sa Ibajay, Aklan

0
viber_image_2025-09-29_13-57-39-826

Sa harap ng pinsalang dulot ng Bagyong Opong, muling ipinamalas ng mga uniformed personnel at iba’t ibang sektor ng lipunan ang tunay na diwa ng bayanihan nito lamang ika-28 ng Setyembre 2025, sa bayan ng Ibajay, Aklan kung saan lubhang marami ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Ang 3rd Maneuver Platoon ng 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company (PMFC), na pinamumunuan ni PCPT MACHON L SABADO, Platoon Leader, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ DENNIS LAURENCE Y BAUTISTA, Acting Force Commander, ay nanguna sa operasyon ng pagtulong upang maihatid ang mga relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng kalamidad sa bayan ng Ibajay.

Kaagapay ng 2nd Aklan PMFC ang Ibajay Municipal Police Station, Philippine Army, Kabayan Action Group, Ibajay Municipal Action Program (MAP), mga force multipliers, volunteers, at iba pang partner agencies.

Sama-sama nilang isinagawa ang unloading ng mga suplay bilang tugon sa pangangailangan ng mga residenteng nawalan ng kabuhayan at tahanan.

Ang matibay na kolaborasyon na ito ay nagsilbing halimbawa ng mabilis, epektibo, at tapat na serbisyo publiko na nakabatay sa pagkakaisa at malasakit sa kapwa.

Hindi naging hadlang ang hirap ng sitwasyon at masamang panahon sa patuloy na pagbibigay ng tulong. Sa halip, naging inspirasyon ito upang higit pang pagtibayin ang samahan ng mga ahensyang nagkakaisa sa isang layunin, ang matiyak na walang pamilyang maiiwan at lahat ay may mabibigyan ng pangunahin at agarang pangangailangan.

Ang partisipasyon ng mga force multipliers at volunteers ay nagdagdag ng lakas at bilis sa operasyon, na nagpapakita kung gaano kahalaga ang suporta ng komunidad sa mga parehong aktibidad.

Higit pa sa pamamahagi ng tulong, ang gawaing ito ay naghatid ng pag-asa sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyo. Ito rin ay nagsilbing patunay na sa kabila ng mga pagsubok, nananatiling matatag at buo ang diwa ng bayanihan sa Aklan.

Sa bawat kamay na tumulong at balikat na nagbigay suporta, muling napatunayan na ang pagkakaisa ang pinakamalakas na sandata laban sa anumang uri ng sakuna.

Ang kolaborasyon ng 2nd Aklan PMFC, lokal na kapulisan, kasundaluhan, pribadong grupo, at mga boluntaryo ay malinaw na larawan ng isang komunidad na handang magtulungan, magmalasakit, at magtagumpay laban sa anumang hamon. Sa pamamagitan nito, naipadama sa bawat Aklanon na hindi sila nag-iisa at sa panahon ng pangangailangan ang bayanihan ay buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *