ORO Integrated Cooperative, nagsagawa ng Outreach Program sa Maramag, Bukidnon
Nagsagawa ang ORO Integrated Cooperative ng outreach program para sa mga residente na naapektuhan ng matinding pagbaha sa Musuan, Dologon sa bayan ng Maramag, Bukidnon nito lamang ang Oktubre 12, 2025.
Sa tulong ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) team, pinangunahan ng pamunuan ng kooperatiba kasama ang kanilang Chief Executive Officer (CEO) at masisipag na kawani aymatagumpay na naiparating ang tulong at suporta sa mga nasalanta.
Naghatid ang grupo ng relief goods, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga apektadong pamilya.
Bukod sa materyal na tulong, layunin din ng aktibidad na ipadama sa mga kababayan natin sa Bukidnon na hindi sila nag-iisa sa panahon ng sakuna.


Lubos ang pasasalamat ng ORO Integrated Cooperative sa pagkakataong makapag-abot ng tulong, at sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Musuan at Dologon.
Ipinahayag ng kooperatiba na patuloy magiging kaagapay ng komunidad sa panahon ng pangangailangan.
Ang gawaing ito ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan at malasakit, na pundasyon ng kooperatiba sa kanilang serbisyo sa mga miyembro at komunidad.