Kampanya Laban sa Terorismo at Ilegal na Droga, tuloy-tukoy na inilunsad sa Cebu

0
viber_image_2025-10-12_08-02-33-531

Bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya para sa kaligtasan at kapayapaan ng mamamayan, nagsagawa ang 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) “Warriors of the North” sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL ARNOLD PONCE VALENZUELA, Force Commander ng 1st PMFC, ng Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) at Drug Awareness Symposium sa Barangay Pondol, Balamban, Cebu, dakong alas-10:28 ng umaga noong Oktubre 11, 2025.

Layunin ng symposium na bigyang-kaalaman ang mga residente hinggil sa patuloy na banta ng terorismo at masamang epekto ng ilegal na droga sa pamayanan. Sa pamamagitan ng mga presentasyon at talakayan, nabigyan ng mas malinaw na pag-unawa ang mga mamamayan kung paano makakatulong sa pag-iwas at pag-report ng kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.

Hinikayat din ang publiko na maging mapagmatyag at aktibong makiisa sa mga programa ng pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad. Binigyang-diin ng mga tagapagsalita na ang laban kontra terorismo at droga ay hindi lamang tungkulin ng kapulisan, kundi responsibilidad ng bawat mamamayan.

Ang inisyatibang ito ay patunay sa pagtatalaga ng Philippine National Police sa community-based policing at pakikipag-ugnayan sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *