Kauna-unahang KKDAT Summit, matagumpay na isinagawa sa bayan ng Abulug, Cagayan

0
LBB4

Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang 3-Day Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Summit na may temang “Kabataan Kontra Droga at Terorismo: Empowering Youth Towards a Safer Community nito lamang Mayo 4 hanggang 6, 2026 sa bayan ng Abulug, Cagayan.

Pinangunahan ng Abulug Police Station sa pamumuno ni Police Captain John Jefferson A. Bumanglag, Officer-In-Charge, katuwang ang Municipal Advisory Group, Local Government Unit ng Abulug,KKDAT, MBKLC, at mga Sangguniang Kabataan (SK) ang nasabing aktibidad.

Aktibong dumalo bilang mga resource speakers sina PCpt Shiela Joy N. Fronda, CPIO ng Cagayan Police Provincial Office at Cpt Danielle Jean G. Torres, PN (Marines), na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman sa mga kalahok.

Tinalakay ni PCpt Fronda ang tungkol sa anti-terrorism awareness at fake news prevention habang ibinahagi naman ni Cpt Torres ang kahalagahan ng mga kagamitan at papel ng kasundaluhan sa pambansang seguridad.

Nagsagawa rin ng iba’t ibang aktibidad tulad ng bonfire, parlor games, cheers and yells, at modeling gamit ang indigenous materials upang mapalakas ang camaraderie at leadership skills ng mga kalahok.

Patuloy ang pagsasagawa ng mga programang tulad nito sa ilalim ng adhikain ng Bagong Pilipinas upang higit na mahubog ang kabataan bilang responsableng mamamayan at katuwang ng PNP sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran.

Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng KKDAT at iba’t ibang sektor ng komunidad, mas pinagtitibay ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan tungo sa mas ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Source: Abulug PS Valley Cops

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *