BPATs, nakiisa sa Community Anti-Terrorism Awareness Seminar sa Barangay Tabunan, Cebu City
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) Seminar at Barangay Visitation ng City Mobile Force Company ng Cebu City Police Office noong Mayo 21, 2026 sa Barangay Tabunan, Cebu City.
Pinangunahan ni PMSg Remon Calumboy ang aktibidad sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLTCOL Christian Joy Q. Alqueza, Force Commander ng CMFC-CCPO.
Dinaluhan ito ng mga barangay employees at BPAT members bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kamalayan at partisipasyon ng komunidad laban sa terorismo at iba pang banta sa kapayapaan.
Tinalakay sa seminar ang kasalukuyang peace and order situation ng barangay, CTG awareness, at Executive Order No. 70 na naglalayong wakasan ang lokal na armadong tunggalian sa pamamagitan ng whole-of-nation approach.
Hinimok din ng kapulisan ang mga residente at mga opisyal ng barangay na maging mapagmatyag at agad na ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o presensya sa kanilang komunidad upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lugar.