Mga Barangay Officials at BPATs, nakiisa sa koordinasyon para sa Sambali Festival security at traffic plan

0
viber_image_2026-06-28_13-37-50-359

Matagumpay na isinagawa ang isang coordination meeting na nilahukan ng mga Barangay Officials at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) kaugnay ng Sambali Festival Security and Traffic Plan noong Hunyo 26, 2026sa Piat, Cagayan.

Ang Sambali Festival ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa bayan ng Piat na tampok ang mga gawaing pangkultura at panrelihiyon bilang paggunita sa Kristiyanisasyon ng rehiyong Ytawes at pagbibigay-pugay sa debosyon sa “Our Lady of Piat.”

Pinangunahan ni PCpt Leif Bernard U. Guya, Assistant Chief of Police ng Piat Police Station, ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng Local Chief Executive (LCE), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Traffic Management Group (TMG), mga Barangay Officials, at mga miyembro ng BPATs.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang komprehensibong Security and Traffic Plan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, maayos na daloy ng trapiko, at mapayapang pagsasagawa ng mga aktibidad ng Sambali Festival. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng mahigpit na koordinasyon ng lahat ng katuwang na ahensya at mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang kriminalidad at iba pang hindi inaasahang insidente sa panahon ng selebrasyon.

Layunin ng aktibidad na higit pang patatagin ang koordinasyon at pagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholder upang matiyak ang ligtas, maayos, at matagumpay na pagdiriwang ng Sambali Festival, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Piat Police Station ng isang mapayapa at ligtas na komunidad.

Source: PNP Piat Municipal Police Station

Panulat ni: Pat Leinee C Lorenzo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *