Namahagi ng school supplies ang Marikina CPS at iba pang ahensya sa mga mag-aaral Agora 2 Compound, Barangay Sto. Niño, Marikina City.

0
731045989_1559307949171771_1059089783211297441_n

Bilang pagpapatuloy ng kanilang adbokasiya sa paglilingkod sa komunidad at pagsusulong ng edukasyon, matagumpay na nagsagawa ang Marikina City Police Station (CPS), katuwang ang Philippine Army at isang civic organization, ng pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral noong Hunyo 27, 2026 sa Agora 2 Compound, Barangay Sto. Niño, Marikina City.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PCOL Jenny DC Tecson, Chief of Police ng Marikina CPS, kasama ang mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section (SCADS) sa pamumuno ni PCPT Arnold M. Licerio, Acting Chief.

Naging katuwang din sa programa ang 12th Civil Military Operations Battalion ng Philippine Army sa pamumuno ni LTC Benjamin B. De Peralta II, Battalion Commander, at ang National Anti-Crime and Corruption Group, Inc. sa pamumuno ni Mr. Edgar Nicanor.

Sa isinagawang outreach program, namahagi ng mga school supplies sa mga batang mag-aaral sa komunidad upang matulungan silang magkaroon ng mga pangunahing kagamitang kailangan sa pag-aaral. Layunin nitong mabigyan ng suporta ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase at mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang may kumpiyansa at determinasyon

Ayon sa mga organizer, ang programa ay naglalayong isulong ang kahalagahan ng edukasyon habang pinatitibay ang ugnayan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army, at mga katuwang na organisasyon sa paghahatid ng mga serbisyong makabuluhan sa komunidad.

Patuloy ring pinagtitibay ng Marikina City Police Station ang adbokasiya nito sa community-oriented policing sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kapakanan, edukasyon, at pangkalahatang pag-unlad ng mga bata at kanilang mga pamilya.

Sa pamamagitan ng mga ganitong sama-samang inisyatiba, patuloy na ipinapakita ng Marikina CPS ang tunay na diwa ng malasakit at paglilingkod sa publiko habang pinapalakas ang pakikipag-ugnayan sa komunidad para sa isang mas maunlad at mas ligtas na Marikina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *