PNP Indang MPC, nagbigay ng seguridad at kaayusan bilang bahagi ng Anti-Criminality Campaign

0
Screenshot-2026-07-31-101621

Isinagawa noong Hulyo 28, 2026, dakong alas-4:17 ng hapon, ang PNP Checkpoint sa Alulod Gasso Junction, Barangay Alulod, Indang, Cavite bilang bahagi ng patuloy na Anti-Criminality Campaign ng Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan ni PCPT Judito Baligod, Deputy Chief of Police, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at mga barangay tanod, ang pagsasagawa ng checkpoint upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at maiwasan ang mga krimeng maaaring mangyari sa lugar.

Patuloy na hinihikayat ng PNP ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa mga umiiral na batas at alituntunin para sa isang mas ligtas at mapayapang komunidad.

Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas — Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *