Governor Albano III, nagkaloob ng POC Handheld Radios at suplay ng bala sa PNP Isabela
Matagumpay na isinagawa ang turnover ng Push-to-Talk Over Cellular (POC) Handheld Radios, suplay ng mga bala para sa PNP-Isabela Special Motorcycle Action and Response Team (PNP-iSMART), at POC Handheld Radio Orientation noong Hulyo 29, 2026 sa Isabela Emergency Operations Center (IEOC), Provincial Capitol Grounds, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Pinangunahan ni Hon. Rodolfo “Rodito” T. Albano III, Gobernador ng Lalawigan ng Isabela, ang turnover ng mga kagamitang pangkomunikasyon at logistical support na dinaluhan ni PCol Manuel B. Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, kasama ang mga opisyal at tauhan ng PNP Isabela.
Sa naturang aktibidad, pormal na tinanggap ng Isabela PPO ang mga POC handheld radios at suplay ng mga bala na inaasahang magpapalakas sa kakayahan ng kapulisan sa komunikasyon at mabilis na pagtugon sa mga insidente. Nagbigay rin ng orientation hinggil sa wastong paggamit at pangangalaga ng mga kagamitan.
Layunin ng aktibidad na higit pang mapalakas ang operational capability ng Isabela Police Provincial Office sa pamamagitan ng makabagong kagamitan at mas pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, tungo sa mas mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo para sa mamamayan ng lalawigan ng Isabela.
Source: PNP Isabela