Malinao MPS, nagsagawa ng dialogue at information drive sa Tabaco City

0
Screenshot-2026-08-04-141919

Nagsagawa ng dialogue at information drive ang Assistant PCAD ng Malinao Municipal Police Station (MPS) noong Agosto 2, 2026, ganap na alas-3:30 ng hapon, para sa mga batang Muslim sa Barangay Pawa, Tabaco City.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga mahahalagang usapin hinggil sa mga unang senyales ng pang-aabuso, pag-iwas sa bullying, at mga paraan kung paano mapoprotektahan ng mga bata ang kanilang sarili laban sa anumang uri ng panganib. Ipinaalam din sa mga kalahok ang kanilang mga karapatan bilang mga bata at ang kahalagahan ng kalusugan, wastong nutrisyon, at edukasyon.

Binigyang-diin din ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga bata sa loob ng kanilang pamilya, paaralan, at komunidad. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan, mapalakas ang kanilang kamalayan sa kanilang mga karapatan at responsibilidad, at mahikayat silang maging ligtas, responsable, at aktibong bahagi ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *