Malubog PNP, nagsagawa ng drug symposium para sa mag-aaral ng Cebu City

0
viber_image_2026-08-08_12-59-12-906

Nagsagawa ng symposium ang Police Station 12 ng Cebu City PNP para sa mga mag-aaral ng Bitlang Elementary School at Bitlang National High School sa Barangay Sudlon 1, Cebu City noong Agosto 6, 2026.

Pinangunahan ni PCPT Jurry M Papasin, Officer-in-Charge ng PS12-CCPO ang aktibidad tungkol sa illegal drugs, anti-bullying, threat awareness, at Anti-Bomb Joke Law upang palakasin ang kaalaman at disiplina ng mga estudyante.

Nagbahagi rin ng mahahalagang impormasyon ang mga kinatawan ng Cebu City Office for Substance Abuse Prevention (COSAP) at nagbigay ng inspirasyong mensahe si Councilor Francis Esparis.

Isinagawa ang programa sa tulong ng Barangay Sudlon 1 Council, kung saan aktibong nakiisa ang mga mag-aaral bilang suporta sa isang ligtas at drug-free na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *