BPATs, nakilahok sa refresher training na isinagawa ng Tinglayan PNP sa Kalinga

0
viber_image_2026-08-08_12-59-11-897

Aktibong nilahukan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ang isinagawang Refresher Training bilang bahagi ng pagpapalakas ng community-based peace and order sa Municipal covered court, Poblacion, Tinglayan, Kalinga noong Agosto 5, 2026.

Ang aktibidad ay may temang “Empowering BPAT Members for a Safer and More Peaceful Communities” na pinangunahan ni Police Major John Vladimir C Bawer, Chief of Police ng Tinglayan Municipal Police Station, katuwang ang Municipal Local Government Operations Officer, Bureau of Fire Protection, at Local Government Unit ng TInglayan.

Itinampok sa pagsasanay ng mga resource speaker ang mga lektyur sa mga paksang mahalaga para sa epektibong pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad katulad ng Barangay Peace Keeping Operations, na nakatuon sa mga papel, tungkulin, responsibilidad, mga pamamaraan sa operasyon, at mahuhusay na gawi ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Team sa pagsuporta sa mga programa ng PNP para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko. Binigyan din ang mga kalahok ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga papel at responsibilidad ng mga miyembro ng BPAT sa paglutas ng mga hidwaan, para sa isang ligtas at mapayapang kapaligiran.

Bukod pa rito, tinalakay din ang “Katarungang Pambarangay,” na nagbibigay-diin na ang pangunahing papel ng sistema ay hindi ang magpasya sa mga alitan at magpataw ng solusyon sa mga partido, kundi ang tulungan ang mga partido sa pagtalakay ng posibleng mapayapang pag-aayos ng kanilang mga alitan. Kasunod ng First Aid and Basic Emergency Response na may kasamang practical exercises at hands-on simulations, Citizen Arrest, Checkpoint Procedures at Incident Reporting, at nagwakas sa Basic Disarming Technique na may kasamang practical exercises.

Nagpasalamat naman ang mga kapulisan sa mga aktibong nakilahok sa kanilang ipinamalas na dedikasyon at kahandaang makipagtulungan para sa kaligtasan ng publiko. Dito ay muling ipinakita ng Philippine National Police na ang kapayapaan ay responsibilidad ng lahat, na nakakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagtitiwala, at aktibong pakikilahok ng iba’t-ibang ahensya at ng komunidad.

Source: Kalinga Ppo Tinglayan Mps
https://www.facebook.com/tinglayan.mps/posts/pfbid0LBFBgFAMeiPqF4AuW72BuFPZpCoUzSDYShECNr1VyjzjbWP3Cqd5k54AiE3oup2vl?rdid=PZEDed84qU26XbzS#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *