Eastwood Police Station 12, nagsagawa ng community outreach sa evacuation center sa Quezon City
Nagsagawa ng visitation at community outreach ang mga tauhan ng Eastwood Police Station 12 sa evacuation center na matatagpuan sa Fire Station sa Manggahan Street, Barangay Bagumbayan, Quezon City.

Sa pangunguna ni PLTCOL Maria Rosario S. Calusor, personal na nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga residenteng pansamantalang lumikas at nanunuluyan sa evacuation center. Sinuri rin ng mga awtoridad ang kanilang kalagayan, kaligtasan at mga agarang pangangailangan upang matiyak ang kanilang seguridad at kapakanan.
Tumulong din ang mga pulis sa pamamahagi ng mainit na pagkain at inumin sa mga evacuee, partikular sa mga bata at senior citizen. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng Philippine National Police (PNP) at ng komunidad, gayundin ang pagbibigay ng suporta at seguridad sa mga residenteng naapektuhan at napilitang lumikas.