KKDAT, nakilahok sa drug awareness symposium ng mga awtoridad sa Tabuelan, Cebu

0
viber_image_2026-08-12_14-35-38-873

Nakilahok ang KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terrorismo) sa isinagawang Drug Awareness Symposium ng Tabuelan MPS sa Barangay Kanlim-ao, Tabuelan, Cebu noong Agosto 9, 2026.

Pinangunahan ang aktibidad ni PCpt Florencio L. Cabanlit, Jr., Officer-in-Charge ng Tabuelan MPS kasama si Pat Evann Rey Voltaire Y. Reyes, Assistant PCR PNCO, ang Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang mga panganib ng ilegal na droga at kaukulang parusa sa paglabag sa batas.

Aktibong nakibahagi ang mga kalahok sa talakayan at hinikayat na maging mapagmatyag, mag-report ng mga kahina-hinalang aktibidad, at makiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Nakatulong ang aktibidad sa pagpapalawak ng kaalaman ng kabataan at pagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan at komunidad tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa Tabuelan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *