Tulong at Malasakit, hatid sa mga kabalen sa Minalin, Pampanga

0
770919082_1505233381647001_184011019366334155_n

Patuloy ang pag-agapay sa mga Kabalen sa Minalin na naapektuhan ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha, kasunod ng pamamahagi ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules, Agosto 12.

Umabot sa 4,955 Kabalen ang nakatanggap ng food packs bilang bahagi ng patuloy na relief assistance sa mga pamilyang apektado ng kalamidad. Pinangunahan nina Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, Chief of Staff to the Mayor Sea Naguit, 4th District Board Members Dr. Kaye Naguit at Atty. Vince Calara ang pamamahagi ng ayuda, katuwang ang Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), General Services Office (GSO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at DSWD.

Batay sa tala ng Pampanga PDRRMO hanggang alas-12 ng tanghali, 15 barangay sa Minalin ang nananatiling lubog sa baha, habang 15,427 pamilya ang apektado ng patuloy na pag-ulan.

Sa kabila ng patuloy na pagbaha, hindi tumitigil ang pamahalaang panlalawigan at mga katuwang na ahensya sa paghahatid ng tulong. Sa kabuuan, mahigit 9,200 Kabalen na sa Minalin ang naabutan ng relief assistance.

Sa panahon ng pagsubok, patuloy ang malasakit at pagtutulungan upang matiyak na walang Kabalen ang maiiwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *