Asuncion MPS, pinaiigting ang kampanya laban sa Bullying

0
39ec648c-ad90-4f8a-9dbb-763e7c515f08

Pinaiigting ng Asuncion Municipal Police Station ang kampanya laban sa bullying sa pamamagitan ng Anti-Bullying at Child Protection Symposium 2026 na isinagawa sa Pamacauan Integrated School noong Agosto 10, 2026.

Bilang resource person, tinalakay ni PSSg. Jey S. Mariano, Assistant PCR PNCO, ang pag-iwas sa bullying, tamang pag-uulat, at pagprotekta sa mga kabataan.

Binigyang-diin din ang pagtutulungan ng pulisya, paaralan, mga magulang at komunidad upang matiyak ang ligtas at protektadong kapaligiran para sa mga mag-aaral. Buong suporta naman sa programa ang ipinahayag ni PMAJ Collin S. Rama, Chief of Police ng Asuncion MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *