11 LMB Members, nakatanggap ng tulong mula sa PRO 3
Pormal na tinalikuran ng labing-isang (11) miyembro ng Liga ng Mangagawang Bukid (LMB) ang kanilang suporta sa Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa isang seremonyang isinagawa noong Agosto 13, 2026 sa Barangay Casongsong, Guimba, Nueva Ecija.
Pinangunahan ang aktibidad ni PCPT Nickdeo R. Pastor, Platoon Leader ng 3rd FOB, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Santi Frey D.C. Lorenzo, Force Commander, kasama sina PLT Emil James Natividad, Platoon Leader ng 303rd MC RMFB3; PSMS Edwin Galdonez, MCAD ng Guimba MPS; at Sgt. Edel G. Esguerra ng Alpha Company, 48th Infantry Battalion, Philippine Army.

Tampok sa programa ang mga salaysay ng mga miyembro ng LMB na nagpahayag ng kanilang pagtalikod sa AMGL. Sinundan ito ng seremonyal na panunumpa at paglagda ng kanilang katapatan sa pamahalaan, bilang pagpapahayag ng kanilang buong suporta sa mga programa nito para sa kapayapaan at kaunlaran.
Bilang bahagi naman ng PNP Community Outreach Program ng Police Regional Office 3 (PRO3), namahagi rin ng mga food pack sa mga dumalo. Layunin ng programa na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad at maitaguyod ang kapayapaan, seguridad, at kapakanan ng mga mamamayan.