Bataan PNP, MCGI Cares naghatid ng libreng serbisyo sa PNP Family Day
Nagsagawa ang Bataan Police Provincial Office, sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Marites A. Salvadora, katuwang ang MCGI Cares, ng Community Outreach Program bilang bahagi ng PNP Family Day nitong Agosto 14, 2026 sa Camp PFC Cirilo S. Tolentino.

Naghatid ang MCGI Cares ng libreng serbisyong medikal, dental at optical, gamot, pagpapagupit, wheelchair, nebulizer, at food at grocery packs para sa mga benepisyaryo mula sa Balanga City, kabilang ang mga tauhan ng Bataan PPO.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad at isulong ang kapakanan ng mga mamamayan, alinsunod sa Police-Community Relations best practices at PNP Focused Agenda sa ilalim ng pamumuno ni Chief, PNP PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., sa suporta ng PRO3 sa pamumuno ni PBGEN Jess B. Mendez.