Bayanihan ipinamalas ng kapulisan at Brgy. Officials sa Abra

0
775904750_3111389769067013_6503538573727488318_n

Ipinamalas ang bayanihan sa pamamagitan ng road-clearing activity ng mga kapulisan at Brgy. Officials noong Agosto 16, 2026 bandang 8:00 ng umaga, upang mapanatiling madaanan ang pansamantalang ruta sa bahagi ng kalsadang gumuho sa Kingking, Tubo, Abra.

Pinangunahan nina PEMS Froilan W. Wagayen ng Tubo Municipal Police Station at PCpl Jomel B. Bingcola ng 2nd Abra Provincial Mobile Force Company ang aktibidad, kasama ang mga opisyal ng Barangay Dilong na pinamumunuan ni Punong Barangay Hon. Santos S. Oyaman at mga sibilyan.

Gamit ang chainsaw, nilinis ng grupo ang mga natumbang puno at inalis ang mga bato, lupa at iba pang debris na humaharang sa pansamantalang daanan.

Mahalaga ang clearing activity dahil ang ruta ang kasalukuyang tanging daanan ng mga motorsiklo papunta at palabas ng Barangays Dilong, Tubtuba at Alangtin.

Matapos ang clearing operation, nanatiling bukas at madaanan ng mga motorsiklo ang pansamantalang trail.

Gayunman, maaari itong magbago depende sa kondisyon ng panahon, lalo na kung magpapatuloy ang pag-ulan kaya payo ng PNP na mag doble ingat ang lahat ng motorista at manatili na lamang sa bahay kung walang importanteng lakad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *