Bayanihan, ikinasa ng Kapulisan at Komunidad sa Abra

0
776985226_1458682959409323_7472661770629457546_n

Ikinasa ang bayanihan sa pamamagitan ng Barangay Road Clearing Operation (BaRCO) sa Barangay Dilong upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko, maayos na daloy ng trapiko, at mabawasan ang panganib ng pagbaha nito lamang Agosto 18, 2026.

Aktibong nakibahagi sa operasyon ang R-PSB Team ng Tubo (Zone 3) na binubuo ng mga tauhan ng Tubo Municipal Police Station sa pangunguna ni PEMS Froilan W. Wagayen, at ng 2nd Abra PMFC sa pamumuno ni PCpl Jomel B. Bingcola.

Katuwang ang mga opisyal ng Barangay Dilong na pinamumunuan ni Punong Barangay Hon. Santos S. Oyaman, kasama ang RIC, BHWs, BNS, SK members, Barangay Tanods, at mga civilian volunteers ay tulong-tulong na alisin ang mga lupa, bato, at iba pang debris sa kalsada.

Nilinis din ang mga drainage canal sa gilid ng daan at inalis ang mga naipong troso at bato mula sa mga kalapit na sapa upang mapabuti ang daloy ng tubig at maiwasan ang posibleng pag-apaw sa kalsada.

Dahil dito, naging malinis at muling nadaanan ang apektadong bahagi ng kalsada. Nakatulong din ang paglilinis ng drainage at creek areas upang mabawasan ang panganib ng pagbabara at pagbaha.

Ipinakita ng aktibidad ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan ng komunidad para sa kaligtasan ng publiko, maayos na accessibility ng mga kalsada, at pagbawas ng panganib dulot ng pagbaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *