Mga estudyante ng Brgy. Duyan, dumalo sa inilunsad na Symposium sa Catmin, Cebu

0
IMG-8a3d8a42da81f59c12753eafee9c2ecb-V

Dumalo ang nga mag-aaral ng Duyan National High School sa inilunsad na symposium ng Catmon MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt. Francis Russue G Salvid, Officer-in-Charge na ginanap sa Barangay Duyan, Catmon, Cebu, noong Agosto 20, 2026.

Tinalakay sa aktibidad ang Drug Prevention Education, Juvenile Justice and Welfare Act, Anti-Bullying, at Active Shooter Preparedness and Emergency Response upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-iwas sa ilegal na droga, bullying, at iba pang banta sa kaligtasan.

Layunin ng symposium na mahikayat ang mga kabataan na maging responsable, umiwas sa ilegal na gawain, at maging handa sa mga emergency situation. Namahagi rin ng flyers at information materials ang mga awtoridad bilang dagdag-kaalaman sa crime prevention at safety awareness.

Patuloy na isinusulong ng kapulisan ang mga ganitong programa katuwang ang mga paaralan at komunidad upang mapalakas ang kamalayan ng kabataan at mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *