Coastal Clean-Up kasabay ng National Maritime Week 2026, isinagawa sa Legazpi City

0
7

Nagkaisa ang mga residente at mga awtoridad sa isinagawang Coastal Cleanup Activity sa baybayin ng Barangay Rawis, Legazpi City, Albay, noong Setyembre 23, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Maritime Week 2026 na may temang, “From Policy to Practice: Powering Maritime Excellence.”

Kabilang sa mga nanguna sa programa ang Regional Maritime Unit 5 (RMU5) sa pangunguna ni PLTCOL Carl Omar H. Fiel, Officer in Charge.

Nagsimula ang aktibidad dakong alas 6:00 ng umaga sa pangunguna ni PLT Jay P. Ilisan, PCR PCO, kasama ang mga tauhan ng Maritime Industry Authority Regional Office 5 (MARINA RO5), Philippine Coast Guard (PCG), at Mariners Polytechnic College Foundation of Legazpi.

Layunin ng coastal cleanup na palakasin ang kamalayan sa pangangalaga ng kapaligiran, wastong pamamahala ng basura, at pangangalaga sa mga baybayin at yamang-dagat. Binigyang-diin din ng aktibidad ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng mga maritime agency at stakeholder para sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at sustenableng karagatan.

Nagtapos ang aktibidad dakong alas 7:30 ng umaga na naghatid ng positibong resulta at higit pang nagpatibay sa pagtutulungan ng mga kalahok na ahensya at stakeholder tungo sa patuloy na pangangalaga sa maritime environment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *