Mga barangay official at R-PSB Team, agad rumesponde sa isang aksidente sa Taytay, Palawan
Mabilis na rumesponde ang mga barangay official kasama ang mga kasapi ng R-PSB Team sa isang motorcycle accident na naganap sa Barangay Cataban, Taytay, Palawan nito lamang September 23, 2026.
Batay sa paunang impormasyon, nawalan umano ng preno ang minamanehong motorsiklo habang binabagtas ang kalsada, dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at tuluyang mahulog sa isang bangin. Katuwang ang R-PSB Team, agad na nagtungo sa lugar ang mga Barangay Official upang rumesponde at tiyaking ligtas ang mga sakay ng motorsiklo.
Sa tulong ng mga responder, agad ding naipagbigay-alam ang insidente sa Taytay Rescue Team, na dumating sa lugar upang magbigay ng pangunahing lunas (first aid) sa mga biktima.
Matapos mabigyan ng paunang lunas, agad na dinala ng Taytay Rescue Team ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan para sa kaukulang medical assessment at karagdagang atensyong medikal. Ligtas naman ang mga sakay ng motorsiklo matapos ang insidente. Samantala, nagtulong-tulong ang mga awtoridad upang maiakyat at maibalik sa kalsada ang motorsiklong nahulog sa bangin.