DILG Masbate, pinahusay ang kakayahan ng mga konseho sa kapayapaan at kontra-droga

0
DADDD

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa mga pamayanan, nagsagawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Masbate Provincial Office ng Capacity Enhancement Training para sa mga Component City/Municipal Peace and Order Councils (C/MPOC) at City/Municipal Anti-Drug Abuse Councils (C/MADAC) noong Nobyembre 10, 2026, na ginanap sa B@ms Restobar, Lodging House and Catering Services, Boulevard Extension, Masbate City.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan at personnel mula sa Masbate Police Provincial Office sa pangunguna ni PLTCOL NICOLAS L. MALIPOT JR., Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan na bahagi sa naturang konseho.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaunlad ang kaalaman, kakayahan, at kahusayan ng mga lokal na pamahalaan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, partikular na sa pagpaplano, pagpapatupad, pagsusuri, at pagsubaybay sa mga programa at aktibidad na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga.

Naging mahalaga rin ang pakikilahok ng Provincial Audit Committee (PAC), CIRAS Focal Persons, at iba pang katuwang na ahensiya upang mapalakas ang koordinasyon, pagbabahagi ng kaalaman, at pagtutulungan sa pagpapatupad ng mga programa.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalakas sa kakayahan ng mga C/MPOC at C/MADAC, inaasahang magiging mas epektibo ang mga programa laban sa ilegal na droga at ang mga hakbangin para sa kapayapaan at seguridad ng bawat mamamayan sa lalawigan ng Masbate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *