Force Multipliers nagsagawa ng Traffic Assistance sa San Antonio, Zambales

Nagbigay ng traffic assistance ang mga miyembro ng Kabayan International Friendship Anti-Crime Organization para sa mga mag-aaral ng Angel Manglicmot Elementary School, Brgy. Angeles, San Antonio, Zambales nito lamang Lunes, ika-20 ng Pebrero 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng San Antonio PNP sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Noel Sitjar, Chief of Police.

Nagtulungan ang naturang grupo sa pagbibigay seguridad sa mga mag-aaral lalo na sa pagtawid sa kalsada.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng mamamayan at ng kapulisan upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *