Programang Balay sa Gugma, muling inilunsad ng Sto. Rosario Parish Church

Taos pusong tinanggap ng pamilya ni Tatay Danny Añasco ng Barangay Catumogcad, Buenavista, Bohol ang bagong bahay na handog ng Sto. Rosario Parish Church nito lamang ika-18 ng Pebrero 2023.

Bahagi ang nasabing aktibidad sa isa sa mga adbokasiya ng Sto. Rosario Parish Church na mabigyan ng bahay ang mga pamilyang kapus-palad at walang kakayahang makapagpatayo ng sariling bahay na binansagang “BALAY SA GUGMA.”

Patuloy at matagumpay na naisakatuparan ang programa bunga ng suporta at pagtutulungan ng mga tauhan ng Buenavista Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Edcel Delgado Petecio, Officer-In-Charge, Parish Pastoral Council sa pangunguna ni G. Lino Divinigracia, PPC President, Brgy. Parish Council, Brgy. Catechists, Lay Ministers Families for the Father, Gagmay ng Kristohanong Katilingban (GKK), Family Group Leaders, Rev. Fr. Nasario Tiempo Jr., Rev. Fr. Vienvinido Omamalin at Barangay Officials.

Labis na ipinagpapasalamat ni Tatay Añasco maging ng kanyang pamilya sa pagsisikap, tulong na ginawa at ipinagkaloob ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan upang magkaroon ito ng bagong bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *