R-PSB nagsagawa ng Pulong-pulong para sa nalalapit na People Organization

Nagsagawa ng pulong-pulong ang mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay (r-PSB) para sa nalalapit na People Organization na ginanap sa Barangay Medallo, Sapang Dalaga, Misamis Occidental nito lamang ika-14 ng Oktubre 2023.

Kasama sa naturang pagtitipon ang Barangay Council ng naturang lugar katuwang ang R-PSB Misamis Occidental sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Dwight D Monato, Acting Provincial Director, Misamis Occidental Police Provincial Office.

Ang aktibidad ay kaugnay sa darating na People Organization upang maisagawa ng mapayapa ang naturang aktibidad.

Layon nito na malaman ang pangunahing problema ng lugar nang sa gayon ay matulungan at magkaroon ng plano upang maresolba ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *