Kabalikat Civicom, nagsagawa ng Feeding Program sa Aparri Cagayan

Pinilahan at dinumog ng mga residente ng Barangay Centro sa Aparri Cagayan ang isinagawang feeding program ng Kabalikat Civicom sa pangunguna ni Mr.Tirso Tugagao noong Oktubre 15, 2023.

Naging katuwang din ng grupo ang mga miyembro ng iba pang Advocacy Support Groups sa pamumuno ni Mr. Ronald Garceron at mga miyembro ng Aparri Police Station.

Laking tuwa at pasasalamat ng mga residente ng kanilang tanggapin ang mainit na arrozcaldo, tinapay at juice na hatid ng grupo.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang ugnayan at suporta ng mga stakeholders sa komunidad kasama ang kapulisan at para makatulong sa mga kababayan at maipadama ang malasakit at pagmamahal sa kanila.

Source: Aparri PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *