Community Outreach Program isinagawa sa Santa Ignacia

Nagkaisa ang pulisya at mga stakeholders sa isinagawang Community Outreach Program para sa mga residente ng Barangay San Sotero, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Sabado, ika-23 ng Disyembre 2023.

Nagtulungan sa aktibidad ang mga miyembro ng Advisory Council, Group of Inner Wheel Club Santa Ignacia, Advocacy Support Group at Tarlac PNP.

Nagkaroon ng feeding program at pamimigay ng regalo gaya ng food packs at mga laruan sa mga residente ng lugar.

Patuloy ang pulisya at stakeholders sa paghahatid ng saya sa mga mamamayan lalo na ngayong kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *