Force Multipliers nakiisa sa Gift-Giving Activity sa Mayantoc, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng The Fraternal Order of Eagles, Philippine Eagles sa isinagawang Gift-Giving Activity sa Barangay San Jose, Mayantoc, Tarlac nito lamang Sabado, ika-23 ng Disyembre 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Mayantoc Municipal Police Station at iba pang Advocacy Support Group.

Namahagi ng mga grocery packs na naglalaman ng pang-noche buena para sa mga residente ng nasabing lugar.

Ang aktibidad ay naglalayon na makapaghatid ng saya sa mga mamamayan lalo na ngayong kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *