Community Outreach Program nilahukan ng Barangay-Based Support Group sa Makati City

Nilahukan ng mga miyembro ng Barangay-Based Support Group ang isinagawang Community Outreach program na ginanap sa Amorsolo St., San Lorenzo, Makati City nito lamang umaga ng Biyernes, Pebrero 2, 2024.

Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pangunguna ni PSSg Maria Fe, RCSP Team 5 sa tulong ni Punong Barangay, Hon. Jose Emmanuel A. Recto. Ang mga dumaalo ay mula sa Barangay Maintenance Workers at Environmental Police ng San Lorenzo ,Makati City kung saan nakatanggap sila ng mga Food Packs mula sa ating gobyerno.

Nagkaaroon din ng maiksing talakayan tungkol sa terorismo at masasamang epekto ng ilegal na droga at namahagi din ng IEC materials tungkol sa Anti-Criminality Tips.

Layunin nitong tulungan at ihatid ang mga pangunahing serbisyo para sa ating mga mahihirap na kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *