Advocacy Support Groups, nagsagawa ng Clean-Up Drive Activity sa Binalonan Pangasinan

Pinangunahan ng mga miyembro ng advocacy support groups, barangay officials, Criminology Intern, BS IT Intern from University of Easter Pangasinan, Criminology Intern from Urdaneta City, University, ang clean-up drive activity sa Bypass Canarvacaan-Linmansangan Road, Binalonan, Pangasinan nito lamang ika-6 ng Pebrero 2024.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang Binalonan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Zynon A Paiking, Officer-in Charge.

Ang naturang aktibidad ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon ay patuloy na nagkakaisa upang mapanatili ang sigla at kalinisan ng ating kapaligiran.

Patuloy ang grupo na paalalahanan ang mamamayan na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *