BPAT’s, sumailalim sa Skills Enhancement Training Camarines Sur

Sagñay, Camarines Sur – Sumailim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams ang isinagawang Skills Enhancement Training sa Barangay Sibaguan, Sagñay, Camarines Sur nitong Pebrero 4, 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng RPSB Team Sibaguan sa pangunguna ni PCpt Jefrey A Escolano, Team Leader. Ang mga miyembro ng BPATS ay binigyang kaalaman patungkol sa Katarungang Pambarangay, tamang pagsasagawa ng Handcuffing at Arresting Technique, at mga tungkulin bilang isang First Responders.

Layunin ng aktibidad na hubugin ang kaalaman ng mga miyembro ng BPATs upang ang kanilang natutunan ay magamit nila sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *