Advocacy Support Group, nakilahok sa BADAC Seminar
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups ang isinagawang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Seminar na ginanap sa Multi-Purpose Hall Sitio Sampalucan Poblacion 3, Tanauan City, Batangas nito lamang Mayo 11, 2024.
Ang programa ay pinangunahan ni Barangay Captain Manuel Ramilo, kasama si PCpl Pamplona,1st PMFC 3rd MP at mga personahe ng Tanauan MPS sa pamumuno ni PLtCol Apolinario Inzon Lunar Jr., Chief of Police.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga Katarungang Pambarangay, National Police Clearance Processing at Project LUKAS na programa ng PRO 4A tungkol sa Barangay Drug Clearing Program na dinaluhan ng mga kinatawan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), mga Barangay Officials, Sangguniang Kabataan, at Barangay Functionaries ng naturang bayan.
Layunin ng naturang aktibidad na labanan ang ilegal na droga na siyang pangunahing problema ng ating bansa.
Sa tulong ng ating Sangguniang Barangay at mga piling kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad na tumutulong sa ating pulisya inaasam natin na makamit ang ligtas at mapayapang bansa na siyang mithiin ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungo sa Bagong Pilipinas.