Barangay Officials at BPATS, nakilahok sa talakayan ng Hermosa MPS
Aktibong nakilahok ang mga barangay officials at miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang talakayan ng mga tauhan ng Hermosa Municipal Police Station, Bataan Police Provincial Office na ginanap sa Barangay San Pedro, Hermosa, Bataan nito lamang Lunes, ika-20 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Ernesto V Esguerra, Chief of Police ng Hermosa MPS, katuwang ang mga Barangay officials at Barangay Peacekeeping Action Teams.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa pagpapanatili ng Peace and Order, PNP Plan and Programs ( NTF-ELCAC, RPSB, BIDA and other VAWC Laws).
Layunin ng aktibidad na ito na madagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.