Clean-up Drive at Tree Planting Activity, isinagawa sa Apayao

Nakiisa ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa clean-up drive at tree planting activity sa National Highway, Barangay Tamalunog, Flora, Apayao nito lamang ika-19 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng mga tauhan ng Flora Municipal Police Station katuwang ang mga Barangay Officials, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at immersion students ng Flora National High School.

Tulong-tulong ang mga kalahok na linisin ang mga dumi sa kalsada, at nagtanim ng 30 Mahogany seedlings sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong isulong ang wastong sanitasyon at makatulong na mabawasan ang posibleng epekto ng pagbabago ng klima at patuloy na pagsuporta sa pangangalaga ng likas na yaman at kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *