Advocacy Support Group at Force Multipliers nakiisa sa isinagawang Feeding Program

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa isinagawang Feeding Program ng mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa Barangay Bangcu Dapdap, Bamban, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Michael Villareal, Municipal Executive Senior Police Officer, Bamban MPS.

Tampok sa aktibidad ang pamimigay ng libreng pagkain sa mga residente lalo na sa mga batang kulang sa timbang.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na nutrisyon at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Tiniyak ng Bamban PNP katuwang ang iba pang grupo na kasapi sa aktibidad na sila ay mas magiging produktibo at lalong palalawakin ang serbisyong ipapaabot sa mamamayan upang maipadama ang malasakit at magkaroon ng mas matibay na ugnayan sa komunidad tungo sa inaasam na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *