Mangrove Tree Planting, isinagawa sa Ozamiz City

Isinagawa at nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups at Kabalikat SOS Ozamiz Chapter sa mangrove tree planting sa Barangay Doña Consuelo, Ozamiz City Misamis Occidental nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.

Nakilahok din ang mga miyembro ng Misamis Occidental Maritime Police Station, at mga residente sa nasabing lugar.

Tinatayang nasa 500 mangrove seedlings ang naitanim.

Ang nasabing aktibidad ay isa sa mga prayoridad ng Bagong Pilipinas sa barangay na pagtibayin ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan tungo sa pagpapanatili ng kalinisan ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *