PNP Santa Ignacia, Nagbigay seguridad at kaayusan

0
Screenshot-2026-06-23-214041

Nagsagawa si PMSg Frederick Doctor, Patroller ng Santa Ignacia Municipal Police Station, ng mobilisasyon ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pamamagitan ng Oplan Sita at pagpapatrulya sa Brgy. Nambalan, Santa Ignacia, Tarlac noong Hunyo 22, 2026.

Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan sa mga barangay peacekeepers, gayundin ang pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Sa pamamagitan ng magkatuwang na pagpapatrulya at pagpapatupad ng Oplan Sita, ipinakita ng PNP at ng mga BPAT ang kanilang patuloy na dedikasyon sa pagpapanatili ng seguridad at agarang pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa peace and order sa barangay.

Patuloy na hinihikayat ng Santa Ignacia MPS ang aktibong pakikilahok ng komunidad at ng mga force multipliers upang sama-samang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *