BPATs ng Brgy. Divisoria sa Santiago, sumailalim sa Project T.A.L.A.S. Training

0
viber_image_2026-06-23_21-29-25-319

Matagumpay na isinagawa ang Project T.A.L.A.S. (Training in Arresting, Life-saving Actions and Security) para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Brgy. Divisoria, Santiago City noong Hunyo 23, 2026.

Pinangunahan nina PSSg Benedict G. Gano, PSSg Ryan J. Natividad, PSSg Nestor E. Flores Jr., PCpl Mark Harold R. Zalun, Pat Daryl S. Sinco, at Pat Junix T. Narag ng 4th Platoon, Rizal Patrol Base, City Mobile Force Company (CMFC) ang nasabing pagsasanay na nilahukan ng mga miyembro ng BPAT ng barangay. Layunin ng programa na mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan bilang mga katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Tampok sa pagsasanay ang mga lecture at demonstrasyon tungkol sa Basic Arresting and Handcuffing Techniques at Basic Life Support (BLS). Tinalakay at isinagawa ng mga kalahok ang mga wastong pamamaraan sa ligtas na pag-aresto at pagposas, gayundin ang mga pangunahing kasanayan sa pagbibigay ng paunang lunas at pagtugon sa mga emerhensiya upang maging mas handa sa iba’t ibang sitwasyong maaaring kaharapin sa kanilang barangay.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng Project T.A.L.A.S. ay sumasalamin sa patuloy na pagtutulungan ng kapulisan at komunidad sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga lokal na peacekeeping volunteers tungo sa isang mas ligtas, mas handa, at mas matatag na pamayanan na naaayon sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: City Mobile Force Company, Santiago CPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *